Tuesday, October 7, 2008

SPDC kontra DFFC, Western laban sa Mindanao Cargo, SMFI makikipagpaligsahan sa SMPFC


Ngayong Linggo, asahan ang mga pukpukan na laban. Sa unang laro, makikipagtuos ang SPDC kontra sa DFFC. Ang SPDC ang siyang nangunguna sa team standing na mayrong malinis na karta 4-0 panalo-talo. Samantalang ang DFFC naman ay pumapangalawa at nagtala ng 3 panalo at 1 talo. Inaasahang pangungunahan na naman ni Erwin Betinol at Jimbo Baba ang SPDC, samantalang sina Allan Barbarona at Rogelio Papa naman ang magtatanggol para sa DFFC. Kung mananalo ang DFFC, magkakapareha na sila ng tala ng SPDC. Subalit kung mananalo ang SPDC ay mapapanatili nito ang malinis na karta at pangunguna sa liga.


Sa ikalawang laro ay maghaharap ang Western Feedmill at Mindanao Cargo. Tatangkahin umangat ng Western Feedmill sa talaan ng panalo-talo. Kasalukuyang nasa pangatlong pwesto ang Western Feedmill na may kartang 2-2 panalo-talo. Kung matatalo ng Mindanao Cargo ang Western Feedmill ay magiging pareho sila ng kartada. Nguni't papayag ba ang Western Feedmill na matalo? Higit na kakailanganin ng Western Feedmill ang mga puntos mula kina Patrick Gabi at sa nagbabalik mula sa pagkakasakit na si Nelson Traya para maipanalo ang laban. Muling sasandal sa mga puntos ni Robert John Rulona at Mark Anthony Yap ang Mindanao Cargo upang makasilat sa Western Feedmill.


Sa huling laban, susubukan padapain ng SMFI ang SMPFC. Kung nais ng SMFI na manalo kakailanganin nila ng resistensya sa buong laro lalo pa't matatanda na ang manlalaro ng SMFI at medyo mga bata pa ang manlalaro ng SMPFC. Susubukan kunin sa bilis ng SMPFC ang laban ngayon pa't medyo mahihina na ang tuhod ng mga taga-SMFI. Kinakailangan ng SMPFC na mapigilan si Doc Eric "the elephant eagle" Irlandez. Kinakailangan naman ng tulong ni Doc Eric mula kila Dandan Morandante, James Gutierrez at Jimmy Dacalano kung nais nilang maisalba ang laban at mabaon sa ilalim ng talaan ng panalo-talo ang SMPFC. Sa kabila naman, kakargahin ng pagpukol ng mga puntos ni Adrian "Doc Eso" Basoc ang SMPFC. Subali't kakailanganin niya ng tulong nila Arnel Masinading, Paolo Mesias, at Joy Alcoberes upang maipanalo ang laban.


Bakbakan na!!!!

No comments: